[Ika-Anim Na Aklat]
Sarao vs. Salengga
Umaga na nung mapadaan kami sa Novaliches at dumiretso na kami papunta sa Tungko sa pamamagitan ng pagdaan sa Lagro. May mga pagkakataon na nag-iinit ang makina ni Kabayan dahil sa mga pa-akyat na daan. Kaya pamin-san minsan ay humihinto kami para buhusan ang radiator.
Alex : Ganito talaga ito. Tingin ko kailangan na natin mag-upgrade ng makina.
Sora : Dumaan tayo ng Las PiƱas bago tayo pumunta sa Batangas para sa pagpapanday. Kinakailangan ko makausap si Mariano.
Roli : Parang may mali eh.
Sora : Alin?
Roli : Napansin nyo, kanina pa tayo paikot ikot. Sa mga poste tignan nyo. May papel na marka (sabay turo sa mga poste)
Alex : Lintek!
Sora : Bakit?
Napansin namin na unt-unting naglalaho ang mga kalsada at dumidilim ang paligid.
Alex : Nahulog na tayo sa kapangyarihan ng kalaban.
Roli : Anong gagawin natin.
Sora : Kailangan sirain ang mga papel na yan.
Tinungo namin ang mga papel sa poste at pinilas namin ito. Bago pa kami makalayo sa poste ay naramdaman namin na muli itong nabuo at dumikit ulit sa poste.
Sora : Pag inabot tayo ng gabi dito. Hindi na tayo makakaalis.
Tinignan ko mabuti ang nakasulat sa papel na nakadikit sa poste. “Neutron is Positive“.
Roli : At Kelan pa naging positive ang Neutron?
Alex : Huh! (Napalingon si Alex) Nandito na siya.
Roli : Sino?
Sora : Si Salengga…
At mula sa ibabaw ng jeep namin ay nagkaroon ng smoke effect at lumabas ang isang taong naka-cloak na itim na may tatak na pulang KKK.
Salengga : Ilang oras na lang ang natitira, hindi nakayo makakaalis pa at unti-unti na kayong kakainin ng kadiliman! Bwahahaha!
Alex : Salengga! Anong ano ito!?
Roli : Magkakilala kayo?
Alex : Nung madalas pumasada si ama sa Maynila, lagi namin nakikita si Salengga dun na nagsusulat sa mga poste tungkol sa natuklasan nya.
Salengga : Pero walang naniwala! Hindi mo lang alam kung ilang kahihiyaan at pang-aapi ang naranasan ko! Oras ng maghiganti! Hindi ko mapapatawad kayong mga kumutya sa tuklas ko!!
Roli : At sino naman kasi ang maniniwala na Positive ang Neutron?
Alex : Wag! lalo lang sya magagalit!
Salengga : Etong sa inyo! (Nagpakawala si salengga ng kidlat mula sa kanyang mga palad)
Nakaiwas kami ni Alex sa pamamagitan ng pag tambling sa magkaibang direksyon. Bumaba si Salengga sa jeep at sinimulang atakihin si Alex. Tumakbo si Sora upang pigilan si Salengga ngunit naglabas ito ng mga papel at sinelyohan si Sora sa poste.
Roli : La!!!
Nakita kong maraming ulit nagpakawala ng kidlat si Salengga ngunit patuloy itong naiiwasan ni Alex. Tumambling si Alex pakanan at tumakbo sa poste kung saan nadikit si Sora. Pinilit namin pakawalan si Lola Sora ngunit bumabalik ulit sa dati ang mga papel at tuluyan ng hinimatay ito.
Alex : Inuubos nya ang lakas ni Sora.
Salengga : Ibigay nyo saakin ang mga Pang-hasa.
Roli : Sige asa pa.
Alex : Roli, wag mong galitin!
Roli : Ibibigay ko sayo ang mga pang-hasa kung pahihiramin mo ako ng pentel pel.
Alex : Anong gagawin mo dun?
Roli : Basta!
Pinahiram nga ako ni Salengga ng Pentel pen at pagkatapos ay nagtungo ako sa poste kung saan nakadikit si Lola Sora. Nagsulat ako dun at pagkatapos ay hinarap ko si Salengga.
Alex : Post no Bill?
Roli : Talo ka na… (binato ko sa kanya pabalik ang Pentel pen)
Salengga : Anong!?
Unti unti kumalas ang mga papel at nakawala si Lola Sora. Agad namin syang inalalayan.
Roli : Isang bagay na isinusulat sa pader o poste kung ayaw mong may mag-vandal dito. Kasama na rin dyan ang PD 825! Bawal Magkalat!
Salengga : Isang poste lang ang nasulatan mo. Hindi mo masusulatan lahat ng iyan. Dito na kayo aabutin ng dilim at kamatayan! Bwahahaha!
Roli : La, Alex, magready na kayo may alam akong paraan para makatakas sa pagkaligaw.
Nagbulung-bulungan kami upang hind marinig ni Salengga.
Salengga : At anong pinagbubulungan nyo dyan?
Alex : Bakit gusto mo sumali?
Salengga : Kung pwede (ehem!)
Alex : Pero di ka naman namin friend eh.
Hinarap namin si Salengga at nagsimula kaming magbigay hudyat upang simulan na ang aming gagawing hakbang.
Roli : Ready! Baligtarin na ang damit!
Salengga : Hinde!!!
At unti-unting nalaglag ang mga markadong papel ni Salengga mula sa mga poste…
Roli : Tapos ka na. Alex. Game!
Tumakbo kami ni Alex at binigyan namin si Salengga ng Double Running Tag Punch! Napataob namin sya, ngunit biglang naglaho ang katawan nya sa kawalan kasabay ng muling pagliwanag ng paligid.
Sora : Ang aastig nyo!
Roli : Mga matatanda talaga, pabigat.
Sora : May sinasabi ka!?
Roli : Aray masakit yun! (binatukan ni Lola Sora)
Tama naman ako Alex diba?
Alex : Wala akong kinalaman dyan.
At Pagkatapos ay muli namin inistart ang makina at nagpatuloy ng pag-akyat sa Bulacan patungo sa lugar kung saan makikita ang ikatlo at huling pang-hasa na magagamit namin upang bumuo ng bolong panlaban sa mga Magdalo at sa taong nakamaskara na namumuno dito.