[Ika-Sampung Aklat]

Ang Tunay Na Mukha Ng Kasamaan

Lola Sora : Nakahanda ka na bang makita ang mukha sa likod ng taong-nakamaskara?

Fr. Zamora : Sana ay makayanan mo ang makikita mo…

Nanghina na ang katawan ni Lola Sora at bumagsak ito. Tumakbo papunta sa kanya si Fr. Gomez upang agapan ang sitwasyon. Mula sa kawalan ay nagsulputan ang mga mala-ninjang alagad ni Masked Man. Sinenyasan ko sila Alex at Crispin para humanda sa pakikipaglaban. At nagsimula namin atakihin sila.

Alex : pa-Buff!

Crispin : Okidoks!

Napansin ko lang na a mundong ito eh nagagawa kong tumalon ng mataas at nararamdaman ko ang kakaibang lakas na umiikot kasabay ng pagdaloy ng dugo ko na hindi ko nararanasan nung pag andoon ako sa panahon ko.

Roli : Kayo na ang bahala sa mga alipores.

Alex : Patas na ang laban. Wala na syang magagamit na malakas na sandata.

Roli : Its payback time.

Naging abala kaming mga kabataan sa paglupil sa mga pangit na mga madirigmang Magdalo habang ginagamot ni Fr. Gomez ang mga matatanda.

Crispin : Ngayon ko lang ito sususbukan.

Alex : Ang alin?

Crispin : Ang manapak (sabay sapak sa kalapit na kalaban)
Sorry!

At pagkatapos ay kinorner ko si Masked Man. Hindi ito natakot. Mula sa palad nya ay lumikha ito ng napakalaking bola ng enerhiya. Napakalakas at nakakasilaw. Itinutuon nya ang natitira nyang lakas upang wasakin ang buong paligid kasama kami.

Lola Sora : Tumakas na kayo!

Roli : Narating na naman ang puntong ito. Wala ng panahon para umatras pa La.

Masked Man : Kung ganon mas gusto mo pang mamatay. Bayani ka nga!

Sora : Hindi nyo kakayanin. Wala pa kayong kakayahan.

Roli : Bakit La, saan ba nasusukat ang pagkabayani? Sa sandatang gamit ba? Sa elementong hawak nya? Kung mamamatay ako ngayon mas gugustuhin ko pa yun mangyari kesa sa pagsisihan ko balang-araw na wala akong ginawa.

Masked Man : Nakakaawa ka naman. Mamamatay ka nga ngayon na isang bayani. Sa tingin mo ba balang araw eh mabibigyan pa ng pagpapahalaga ang pagiging bayani mo?

Roli : Huh?

Masked Man : Alam mo kung ano ang sinasabi ko.

Roli : Anong…? (Napaatras ako)

Masked Man : Dahil gawain mo yon!

Sa puntong iyon ay hinubad ni Masked Man ang maskara nya. At nakita ko rin ang katotohanan na sinasabi saakin ng mga matatanda. Nagimbal ako at hindi na nakakilos pa. Nagkaroon ng mahabang sandali ng katahimikan hanggang sa magsalita si Crispin mula sa malayo.

Crispin : Kambal kayo?

Alex : Hinde… Iisa lang sila…

Hindi ko na alam ang gagawin ko nung mga oras na iyon. Halos lahat ng emosyon ay naghalo-halo na at hindi na rin tumatakbo ang utak ko.

Alter Roli : Ikaw ang may lumikha ng kasamaan na bumabalot sa paligid, Ng lahat ng pagbabago sa kasaysayan na ayon sa kagustuhan mo. Ito ang katotohanan.

Roli : Hindi ito totoo…

Alter Roli : Ngayon sagutin mo ang sarili mong tanong. Paano nasusukat ang kabayanihan ng isang tao? Kung sya mismo ang dahilan ng…

Hindi na nya natapos ang sinasabi nya dahil mabilis ko syang tinambanagan ng sapak. Paulit ulit. Halos bumaon ang kamao ko sa mukha nya. Puro dugo na ang paligid ngunit buhay pa rin sya. Napansin kong nagbago ang kasuotan ko. Nagkaroon ako ng kapa na kagaya nung suot ni Masked Man at sya naman ay ang normal na kasuotan na akala mo ay nagpalit kami ng kasuotan.

Crispin : Teka dba kanina nananalo na si Roli? Bakit sya napunta sa ilalim?

Sora : Yan ang repleksyon ng katotohanan.

Alex : Nakakatakot.

Sora : Ang laban na ito ay sa pagitan na lang nya at ng sarili nya.

Naramdaman ko may kung anong bagay ang kumabit sa mukha ko. Kinapa ko ito at napansin ko na ito ang maskara na suot ni Masked Man.

Alter Roli : Eto ang dapat na nangyari sa simula pa lang.

Sinakal ko sya upang bigyan sya ng katahimikan.

Roli : Dapat nung unang beses pa lang ng paghaharap natin ay tinapos na kita.

Alter Roli : Yan din ang sinabi ko sa sarili ko nung araw na iyon.

Hindi ko binitawan ang leeg nya sa pagkakasakal.

Alter Roli : Alex, Crispin, tulungan nyo ako…

Roli : Wag kayong makinig sa kanya! Ako ito si Roli.

Alter Roli : Sino sa tingin mo ang mas kapanipaniwala saatin.

Roli :
Hindi ko alam kung saan ka naggaling! Pero sobra ka na sa kasamaan, kailangan ko na itong tapusin!

Alter Roli : Kasamaan na ikaw mismo ang lumikha!

Gumanti si Alter Roli at nakawala sya sa pagkakaibabaw ko sa kanya. Napaatras ako. Mula sa bulsa nya ay inilabas nya ang boomerang.

Alter Roli : Alex, dating gawi!

Napalingon ako at nakita kong papasugod si Alex at Crispin. Ngunit pinigilan sila ni Lola Sora.

Sora : Isa lang ang saktan nyo sa kanila ay para na rin nyong sinaktan silang dalawa.

Alex : Pero ano pong gagawin natin?

Sora : Si Roli lang ang nakakaalam kung paano.

Sumugod si Alter Roli at pinilit ko yung iwasan ngunit parang bumaligtad ang mundo, nasalo ko lahat ng atake. Humampas ako sa isang bloke ng adobe at napaupo.

Alter Roli : Ikaw ang bumago sa lahat ng nasa kasaysayan. Nung araw na naki-alam ka sa pulong at ginawa mong Ku Klux Klan ang KKK. Doon nagsimula. Hindi mo ba napansin na napakalayo nito sa dapat na naging takbo?

Roli : Hinde…

Alter Roli : Ikaw ang sumira sa dapat na nararapat na hinaharap. Kailangan na kitang tapusin.

Napansin ko kumislap ang pendant ni Lola Sora na nasuot nya saakin nung na-wasted ako kani-kanina. Naalala ko ang pagkakataon nung unang beses ko nakita ang ganitong uri ng pagkislap. Nangyari yun nung matapos akong palabasin ni Sir Noble, ang propesor ko sa History Class na pinaka-ayaw ko na subject. At inutusan ako na magpasa ng research paper para payagan ako maka-attend ng klase kinabukasan. Kasama ko si Kel at Aileen sa pinakaliblib na lugar ng library nung mapansin ako ang isang pagkislap ng isang bagay sa pagitan ng mga libro na naging daan ng pagbagsak ng istante saakin na naging dahilan ng balik ko sa nakaraan.

Roli : Tama ka nga. Ako ang sumira ng katahimikan at kaayusan dito nung likhain kita. Kaya kailangan ko na itong tapusin. Kailangan na kitang tapusin.

Tumayo ako at tumakbo papunta sa direksyon nya. Hinubad ko ang pendant na ginto na hugis susi at isinalpak yun sa dibdib nya. naipit ito sa pakitan ng palad ko at dibdib nya Nagliwanag ito at unti-unti kaming kinain ng sinag.

Nagising na lang ako na nakahiga sa clinic na masakit ang ulo.Binagsakan daw kasi ako ng isang istante ng mga lumang libro. Pagkatapos noon ay sinamahan nya ako pauwi sa bahay at bago sya umalis ay inabot nya saakin ang isang history book na hiniram namin sa library sa tulong ni Aileen. Gagamitin ko iyon para sa research paper para kay Sir Noble.

Hindi ko alam kung nanaginip lang ako nung mga oras na naranasan ko yung pakikipagsapalaran sa nakaraang binago ko. May halong saya at guilt ang nararamdaman ko. Pero may natutunan akong aral at simula nun hanggang matapos ang semester ay naging paborito ko ang subject kong History at bilang pagpapatunay, naka flat one ako. Hahaha!

Leave a Reply