[Ika-Siyam Na Aklat]

Ang Lihim Ng Ika-Apat Na Pang-hasa!

Roli : Hindi ka magtatagumpay!!

Masked Man : Nasa akin na ang pinakamakapangyarihang na sandata na makakalipol sa buong mundo! Bwahahahaha!

Sa ilang kumpas ng bolo niya ay tumilapon kami sa pader ng pandayan.

Alex : Traydor ka! Nagtiwala kami sayo!

Crispin : Wala syang kasalanan Alex. Sa tingin ko ay napasa-ilalim lang sya ng kapangyarihan ng taong naka-maskara.

Ilang saglit pa ay sinimulan na nilang i-panday ang Pang-hasa ng apoy, tubig at hangin sa pinag-samang bolo ng bathala ng hangin at kidlat. Unang isinalang ang pang-hasa ng apoy, ang kapangyarihang nito ang nagpalambot ng bakal at doon ay nag-umpisa si Panday Pira sa pag pukpok ng maso. Pagkatapos ay inulublob ito sa kapangyarihan ng pang-hasa ng tubig upang lumamig. At ang pang-hasa ng hangin ang nagpatalim nito.

Nakaramdam na ako ng takot at pakiramdam ko ay mabibigo ako sa ipinangako kong pagtapos sa kasamaan. Nakita ko ang galit sa mukha ni Alex at sa kabiguan nyang hindi mailigtas ang kaibigan nyang si Jeni. Nakita ko rin si Crispin na halos mawalan ng pag-asa, at ramdam ko ang pag-sisi nya sa sarili nya sa hindi pagkakagawa ng misyong iniatas sa kanya ni Fr. Zamora.

Roli : Patawad sa inyo… (pinilit kong tumayo sa pamamagitan ng pag tungkod sa pader)

Alex : Anong gagawin mo?

Roli : Mamatay man ako dito. Di ako mag-sisisi dahil lalaban ako hanggang huli.

Mula sa bulsa ko ay kinuha ko ang boomerang na binili ko sa Paete at buong pwersa ko itong ibinato sa taong naka-maskara ngunit huli na ang lahat. Nalikha na ang Bolo ng Pagkagunaw at gamit iyon at ibinalik nya saakin ang boomerang ko na agad kong naiwasan. Binutas nito ang pader.

Masked Man : Oras na para gamitin ko ang makapangyarihan kong bolo. Isang karangalan ito para sayo dahil ikaw ang kauna-unahan makakati…

Natigilan si Masked Man sa sinasabi nya ng may bumasag ng pader sa likod namin. Biglang sumulpot si Lola Sora at nang-gagalaiti sa galit. Kasama nya ang talong pari at sa pagkakataon na ito, alam kong sila na ang mga original.

Sora : Nagpabaya ka Roli…

Roli : Alam ko po.. (pinilit ko ituwid ang tayo ko ay naghanda para lumaban)

Sora : Mariano, itakas mo na ang mga bata.

Fr. Gomez : Okay. Babalik ako para tumulong. Tara na mga bata.

Fr. Zamora : Ikaw pala ang sinasabi nilang Masked Man! Humanda ka, ako mismo ang matatanggal ng maskara mo!

Fr. Burgos :
Sora, Jacinto! Tara na!

Naunang sumugod si Fr. Zamara gamit ang kanyang signatured move.

Fr. Zamora : Hand of Fire God!

Ngunit mabilis nakaiwas ang Masked Man. Mula sa labas ay nakita namin gumuho ang Pandayan ni Panday Pira. Tumalon ng mataas ang Masked Man at humiwa sa hangin gamit ang bago nyang bolo.

Masked Man :
Tikman nyo ang bagsik ng bago kong bolo.

Mabilis na nakaiwas ang tatlo. Naihatid kami ni Fr. Gomez sa ligtas na lugar.

Fr. Gomez : Kailangan ko ng bumalik at tumulong sa kanila. Kung ano man ang mangyari, tumakas kayo at iligtas nyo ang sarili nyo.

Roli : Ayokong tumayo dito ng walang ginagawa..

Fr. Gomez : Pero wala kang laban. Wala kang sandata para lumaban. Wala ka rin kapangyarihan ng mga elemento para lumaban.

Roli : Sabihin mo saakin Father. Doon lang ba nasusukat ang pagka-bayani?

Natahimik si Father Gomez.

Fr. Gomez : Sana ay ganyan pa rin kabuo ang paninindigan mo sa oras na makita na mismo ng mga sarili mong mata ang katotohanan.

Pagkatapos noon ay nilisan nya kami upang puntahan na ang mga kasama nya. Pinaikutan nila ang Masked Man at sinimulan sugurin ng sabay-sabay. Ngunit mailap ito at mahirap matamaan. Gumamit na rin ng brute force si Sora para mapabagsak si Masked Man ngunit masyadong matibay ang kalasag nito at hindi matinag. Napaatras pakaladkad si Sora habang binabawi ang fighting stance nya.

Fr. Burgos : Ako naman! (sabay suntok sa lupa at mula doon ay lumubog sa tubig ang buong battle ground)

Nagsi-tungtong sila sa matataas na bloke ng bato na hindi nalubog sa tubig. May kakayahan si Fr. Burgos na kontrolin ang tubig kaya nagawa nitong makatapak dito ng hindi lumulubog. Pumorma ito ng summon stance at tumawag ng mga palos mula sa tubig at nagsimula itong atakihin ang Masked Man ngunit nag mukhang daing ang mga palos dahil mabilis lang itong nahati ng malakas ng bolo nya.

Masked Man :
Hanggang dyan lang ba ang kaya mo?

Isinawsaw nya sa tubig ang bolo nya at bigla na lang hinigop nito ang mga tubig na nilikha ni Fr. Burgos at sumanib sa makapangyarihang bolo nya at binalot ito ng matigas ng yelo. Nagulantang si Fr. Burgos sa nangyari.

Masked Man : Eto naman ang para sayo! (at humiwa siya sa ere papunta sa direksyon ni Fr. Burgos)

Umulan ng matatalim na yelo at hindi na nya ito nakayanang iwasan. Bumagsak sa dami ng sugat sa katawan ang pari ng tubig ngunit naagapan ito ng pagdating ni Fr. Gomez

Fr. Gomez : Pasensya na nahuli ako, Jose.

Nagsimula syang gumuhit ng parang talang simbolo sa lupa. Nagliwanag ito at lumawak. Ang lugar na yun parang sanktuwaryo na nagpadali ng paggaling ng mga sugat ni Fr. Burgos.

Masked Man : Kung gayon ikaw ang pari ng hangin. Sa wakas malalaman ko na rin ang kasagutan kung sino ang magwawagi sa kasabihang mata sa mata, ipin sa ipin.

Fr. Gomez : Nakahanda ako (at pumorma sya ng battle stance)

Masked Man : Hangin sa hangin.

Lumikha ang taong naka-maskara ng isang malaking bolang hanging mula sa dulo ng kanyang bolo at ibinato nya ito kay Fr. Gomez. Hindi nya ito iniwasan, bagkus ay sinalubong nya ito. At gamit ang dalawa nyang kamay ay pinilit nyang wasakin ang bolang gawa sa hangin. Napansin iyon ng taong naka-maskara kaya dinagdagan pa nya ang pwersa ng hangin na bumabalot sa bolo. Ilang sandali pa ay sumabog ito at tumilapon si Fr. Gomez sa may batuhan.

Masked Man : Ngayon alam ko na ang sagot. Nakadepende yon kung sino ang mas malakas.

Mula sa likod ni Masked Man ay umatake muli si Fr. Zamora gamit ang kanyang ma-alamat na Hand of Fire God. Ngunit masyadong mabilis si Masked Man kumpara sa galaw ni Fr. Zamora at dahil dito nagtamo siya ng maraming hiwa sa katawan. Hindi nanatiling nakatayo si Sora at sumugod din ito ngunit nung mga oras na iyon ay binalot na ng kalasag na yari sa hangin ang Masked Man kaya napatilapon sya at humampas sa batuhan.

Napag desisyonan namin ni Alex na bumalik. Kung mamatay man kami ay mamamatay kaming bayani at kung hindi man namin magapi si Masked Man, may darating pa naman ang mga bagong lahi at mula sa kanila maaring umosbong ang isang bayani. Gamit ang boomerang ko at buong pwersa ko itong ibinato kay Masked Man. Hindi namin inaasahan na tatagos iyon sa baluti ng hangin na bumabalot sa kanya at Tinamaan sya sa likuran.

Sora : Mga bata anong ginagawa nyo rito!

Fr. Zamora : Ang akala ko ay inilayo mo na sila?

Crispin :
Kagustuhan namin ang bumalik.

Alex : Ayaw namin na tumakas o tumakbo.

Roli : Dahil hindi iyon gawain ng isang bayani.

Masked Man : Mabuti at hindi ko na rin pa papagurin ang sarili ko para hanapin pa kayo. Sabay-sabay na kayong mamamatay!

Itinataas nya ang bolo nya, pagkatapos at nagsimula ng kumulimlim at buhat sa mga ulap ay gumuhit paibaba ang mga kidlat at naipon ito bumalot sa bagong bolong hawak ni Masked Man.

Masked Man : Tikman nyong lahat ang kapangyarihan ng Bolo ng Pagkagunaw!

Tumakbo ako para salagin ang Bolang binabalot ng kidlat gamit ang boomerang ko.

Alex : Roli!!!

Napaiwas na lang ng tingin si Crispin. Ilang sandali pa ay itinodo na ni Masked Man ang lahat ng kapangyarihan ng mga pinagsama-samang elemento para sa katuparan ng pagkagunaw na inaasam nya. Ngunit iba ang nangyari, Sumabog ito. Lumikha ito ng malaking crater sa lupa at nagmukha akong wasted.

Sora : Sabi ko na eh. (pinilit ni Sora na bumangon gamit ang natitirang lakas)

Masked Man : Anong!?

Sora : Hindi mo nakumpleto ang proseso ng sa pagbuo ng Bolo ng Pagkagunaw.

Masked Man: Anong sinasabi mo dyan!! Narito sa harap nyo ang Bolo ng Pagkagunaw!

Nauubusan na ako noon ng hininga at pakiramdam ko ay mamamatay na ako. Uulitin pa ni Masked Man ang pag-atake nya nung bumalik mula pagsabok ang boomerang ko at tinamaan nito si Masked Man sa kamay at nabitawan nya ang Bolo ng Pagkagunaw.

Sora : Hindi mo natapos ang proseso. Nakaligtaan mo ang pinaka-importanteng sangkap… Ang ika-apat na pang-hasa!

Alex : Anong daw?

Crispin : Ang ika-apat?

Fr. Zamora : Napapanahon na para ipaalam ang sa inyo ang ika-apat na panghasa.

Masked Man : Kung ganon. Ibigay nyo saakin ang ika-apat na pang-hasa!

Sora : Nalulungkot akong ipaalam sayo na kahit kelan ay hindi mo maaangkin ang ika-apat na pang-hasa dahil pag mamay-ari yun ng sambayanan.

Masked Man : Nasaan!!? (nanlisik ang mga mata nito na parang nababaliw sabaw pulot sa nabitawang bolo)

Hinubad ni Sora ang kuwintas nyang ginto at pinalutang nya yun sa ibabaw ng nakahiga kong katawan. Binalot kami ng ginintuang liwanag. Unti unting bumalik sa pagiging matanda ang itsura ni Lola Sora na ikinagulat ni Alex at Crispin

Alex : Wow, inalis na nya ang age-defying ek ek nya.

Crispin : Oh no! akala ko may dahilan na ako para tumigil sa pag-momonghe.

At nung lumapat sa dibdib ko ang pendant ang nanumbalik ang sigla ko at nawala ang mga sugat sa katawan. At pagkatapos ay hinarap ni Lola Sora ang Masked Man.

Lola Sora : Ako ang babaylang tagapangalaga ng ika-apat na pang-hasa! At ang bagay na iyon na hinahanap mo ay pag-aari ng lahat.

Masked Man : Tama na ang satsat. Sabihin mo na!

Lola Sora : Ang bagay na hinahanap mo ay kasama mo na buong buhay mo. Ang bagay na akala mo ay walang silbi na kinukunan ng ikinabubuhay at pinagbubuwisan ng buhay. Naka-apak ka ngayon sa kanya. Ang pang-hasa ng lupa!

Itinarak ni Masked Man ang bolo nya sa lupa sa pag-asang makukumpleto pa nya ang proseso ngunit huli na ang lahat… nawasak ito at nagkapira-piraso.

Masked Man : Hindi ito nangyayari!

Lola Sora : Nangyari na!

Masked Man : Hindeee!!

Ibinaling ni Lola Sora saakin ang tingin nya at nag-wika.

Lola Sora : Nakahanda ka na bang makita ang mukha sa likod ng taong-nakamaskara?

Fr. Zamora : Sana ay makayanan mo ang makikita mo…

Leave a Reply