[Ika-Apat Na Aklat]
GomBurZa : Ang Pari ng Elemeto ng Hangin na Si Gomez
Nung binuksan ko ang mga mata ko, nasa school clinic na ako. Hindi ko maiwasan isipin ang mga nangyari at nung mga oras na iyon eh ginusto kong bumalik sa Pugadlawin. Tumatak sa isip ko ang pagliligtas saakin ni Lola Sora. Nakita ko ang mga gamit ko pati ang isang history book na nakapatong sa upuan malapit sa hinihigaan ko. Bumangon ako at kinuha ko iyon.
Roli : Ibalik mo ako, pakiusap.
Ngunit walang nangyari… Itinapon ko iyon sa direksyon ng pinto nung biglang pumasok ang nurse. At tumama ito sa kanya.
Nurse : Aray ko! masakit! (kinuha ang libro at itinapon iyon pabalik saakin)
Nagtangka akong salagin ito. Tumama ito sa braso ko na parang dumikit. At naramdaman ko ulit ang pwersang nadadala saakin papunta at paalis ng Pugadlawin. Sumulpot ako sa bahay ni Lola Sora at ako’y natatabunan ng mga libro. Uuulan noon at amoy na amoy ko ang mga nasunog na mga kabahayan sa labas. May ilang araw din cguro akong nawala sa Pugadlawin.
Babae : Nagbalik ka. Ibig sabihin desidido kang lumaban.
Roli : Huh?
Limingon ako at nakakita ako ng isang babaeng nasa late twenties ang edad.
Roli : Ano pong nangyari kay Lola Sora.
Babae : Roli, ano ka ba? Ako ito. Hindi mo ba napapansin. Tuwing napapadpad ka sa panahong ito eh ako ang sumasalubong sayo.
Roli : Lola Sora? Eh ang bata mong tignan. Para kang nagpabanat.
Lola Sora : Ako nga ito.
Hinubad nya ang kwintas nyang suot na hugis na maliit na susi na kulay ginto. At unti unting nagbago ang kanyang anyo mula 20’s eh naging 90’s tapos bumata ulit.
Roli : Anlene Gold?
Sora : Hinde noh!
Roli : Pantene Age-Defying Shampoo!
Sora : Ano ba kasing sinasabi mo dyan?
Roli : La, masyado na pong magulo ang nangyayari dito. Bumalik po ako kasi gusto kong ayusin ang mga nangyari.
Sora : Ano bang gusto mo mangyari?
Roli : Natatakot po ako para sa hinaharap ng mga tao dito sa panahon na ito. Alam kong hindi ito talaga ang nakaraan nung panahon o mundo na pinanggalingan ko pero kailangan kong isipin ang hinaharap ng mga taong naninirahan sa mundo nyo.
Sora : Kaya mo ba?
Roli : May kakayahan po ako. Di sapat pero makakatulong.
Sora : Desidido ka ba?
Roli : Opo.
Nung kinaumagahan ay nagsimula ang paglalakbay namin ni Sora. Sakay ng isang kariton na hila-hila ng kabayo.
Roli : La, san ba tayo pupunta?
Sora : Sa Templo ng Hangin sa Las PiƱas.
Roli : Ano po ang gagawin natin doon
Sora : Kakausapin natin ang Pari doon kung paano natin matatalo ang Bolo ng Hangin at Kidlat.
Gabi na nung marating namin ang simbahan na tinutukoy nya. Malawak ito at yari sa bato na kagaya nung sa Intramuros. Pagpasok namin sa loob ay napansin namin ang isang kaguluhan. Nakita ko ang ilang madirigmang Magdalo na may pagka-ninja na ang get-up na sumasalakay sa loob. Inutusan ako ni Lola Sora na magtago sa likod ng bamboo organ at pagkatapos ay nagpakita sya sa mga kalaban.
Sora : Game na!
Nakita ko si Sora na nagsuot ng gwantes at nagsimula ng lumaba. Halos walang nagawa ang mga kalaban sa ipnakita nyang liksi at lakas. Ilang parte ng sahig ang nabasag nung sumuntok sya upang pigilan ang Magdalo na atakihin si Father Gomez. Mga ilang saglit pa ay natahimik na rin ang buong paligid. Tinungo namin si Father Gomez upang kamustahin ang kalagayan nya.
Father Gomez : Dumating na ang kinakatakot ko. Isang nilalang ang gusto sumakop sa mundo natin.
Roli : Yung taong naka maskara po na bagong lider ng Magdalo, sya yun!
Father Gomez : At natuklasan na rin nya na mas lalo syang mapapalakas sa pamamagitan ng makapangyarihang Pang-hasa ng Hangin na pinangangalagaan sa templo na ito.
Sora : Hawak na nya ang dalawang ma-alamat na Bolo ng bathala ng hangin at bathala ng kidlat.
Father Gomez : Nakakatakot…
Roli : Meron pa po ba tayong magagawa? Baka naman meron pa kayong alam na bolo na pwedeng ipanglaban?
Father Gomez : Dadalawa lang ang ma-alamat na Bolo ang nag-eexist sa mundong ito. Ang Bolo ng Bathala ng Hangin at Bolo ng Bathala ng Kidlat. Mapapalakas mo pa ang mga ito sa pamamagitan ng Pag-hahasa.
Sora : May talong makapangyarihang pang-hasa : Ang panghasa ng hangin, pang-hasa ng tubig, at pang-hasa ng apoy.
Father Gomez : At pagnagamit nya ang talong pang-hasa na iyon. Maaari na nyang ipanday ang dalawang bolo upang lumikha ng isang higit na makapangyarihang bolo, Ang Bolo ng Pagkagunaw.
Roli : Kung ganon… ang tanging magagawa na lang natin ay itago ang mga pang-hasa… Pero wala na ba talaga kayong alam na Bolo pantapat man lang?
Father Gomez : Kailangan lumikha…
Roli : Magpapanday?
Sora : Si Panday Pira.
Father Gomez : At pagkatapos ay gagamitin mo ang tatlong pang-hasa upang lumakas ito.
Roli : Naiintdihan ko po.
Sora : Malayo pa ang lalakbayin natin.
Father Gomez : Kung gusto nyo ng masasakyan. Puntahan nyo ang kaibigan kong si Leonardo. Mapapahiram kayo ng isang matibay at matatag sa sasakyan na magagamit nyo sa paglalakbay.
Bago kami umalis ay nag-stock kami ng pagkain at inihabilin na saamin ni Father Gomez ang pangangalaga sa makapangyarihan “pang-hasa ng hangin” Pagkatapos ay tinungo namin ang bahay ni Ginoong Leonardo Sarao upang iparating ang mensahe ni Father Gomez.
Leonardo Sarao : Kung maglalakbay kayo patungo ng templo ng tubig ay makakatulong sa inyo ang Dyip na ito.
Roli : Amphibian!
Leonardo Sarao : Tumpak! Pwede sa tubig at pwede sa lupa.
Roli : Baka naman po tumirik yan
Leonardo Sarao : Magagandang klase ang gawa namin dito.
Sora : Makukulay pa. Para saan ba ang mga kabayong nasa unahan?
Leonardo Sarao : Display lang.
At pagkatapos noon at nag-umpisa ulit kami sa aming paglalakbay.