[Ikalawang Aklat]

Ang KKK ay Ku Klux Klan

Tinawagan ko si Kel nung gabi para ikuwento ko ang nangyari saakin.

Kel : Nananaginip ka na naman ng gising no?

Roli : Seryoso nga, nagsuggest ako kila Manong Andres na magtatag ng Katipunan.

Kel : O tapos?

Roli : Nung una nagagalit sila dahil sabat ako ng sabat. Pagkatapos eh inalok nila ako para maging Utak ng Katipunan.

Kel : So, sino ka? Si Emilio Jacinto?

Roli : Hindi! Andun nga rin si Manong Emilio tapos nag agree sya.

Kel : Praning ka talaga.

Roli : Chineck ko yung libro ng Philippine History eh. Wala parin nagbago.

Kel : Talagang wala. Ka-praningan lang yan. Isa pa wala kang katibayan. Kung ako sayo simulan mo na yung research mo.

Sinimulan ko na ang research ko ng mapatingin ako sa salamin. Kitang kita ko ang itim kong buhok na plantsado sa pagkakasuklay. Hinawakan ko ito at inamoy.

Roli : Pamada!

Sinubukan ko i-scan ang librong hiniram ko sa library at natuklasan ko na ang Calle Azcarraga pala ay ang dating pangalan ng Claro M. Recto Road. Yung Recto na malapit sa University Belt. Naramdaman ko nun na umaapaw na yung pinupuno kong drum ng tubig sa banyo. Hinablot ko ang aking twalya at ako’y naligo na. Paglabas ko ng banyo ay aksidente ako na dulas. Pagtayo ko ay napatapak ako sa librong nakakalat sa sahig. Naramdaman ko ang pwersang humigop saakin. At pagmulat ng mga mata ko. Nakabalik ako ulit sa nakaraan. Sa gitna ng kalsada…

Napansin nag tatakbuhan at nagsisigawan ang mga kababaihan. Huli na ng mapansin ko na nakatapis lang pala ako ng twalya.

Lola Sora : Bata ka, pumarito ka nga. Ano bang nangyari sayo. Dalawang linggo ka na namin hinahanap.

Pumasok ako sa bahay nila. Inabutan nya ako ng damit na pang-Linggo ng Wika.

Roli : La, wag na po magpamada.

Lola Sora : Maaari mo ba akong samahan upang mamili sa merkado?

Roli : Sige po.

Mamimili kami ng mga pagkain para sa samahan. Ayon sa nabalitaan ko eh mag eextend na ata ang membership sa iba pang mga province. Isang bagay lang ang ipinagtataka ko, kung bakit hindi nababago ang nakasulat sa History Books, gayung sinasadya ko talaga na baguhin.

Lola Sora : Ang mahal ng paninda mo. Maaari bang makatawad?

Tindera : Ayaw po pumayag ng amo kong kastila, Tandang Sora. Mga Prayle at nagsisilbi lang sa gobyerno ang pinahihintulutan makatawad.

Lola Sora : Ganun ba?

Roli : Nasaan ang amo mo?

Nakita namin itong papalapit saamin ng nakakunot ang noo na akala mo ay mangangain ng tao. Naalala ko noon ang isang kumakalat na joke text message na kastila kaya gnamit ko iyon.

Roli : La vida no es una bravo actualmente. El dinero es tan duro de pasar. Puede usted bajar el precio parci mi? Soy ya su comprador avido diaro. por favor?

Pagkatapos noon ay nakakuha kami ng 50% discount. Pauwi na kami noon ni Lola nung mapansin namin na may grupo ng gwardia sibil na papalapit.

Roli : Naku baka makotongan tayo lola.

Lola Sora : Tara madali ka.

Gwardia Sibil : Kayong dalawa! Tumigil kayo.

Roli : Lola akong bahala dito (bumulong ako)

Gwardia Sibil : Masyadong marami ata ang ipinamili nyo.

Roli : Ola poste el ombre kon sekalla nash de aguas!

At inisnab namin ang mga gwardia sibil at nagpatuloy sa pag-uwi.

Lola Sora : Ano yung sinabi mo? Nakakapagsalita ka ng kastila talaga?

Roli :
Imbento lang yun. Kita mo natulala sya. Kailangan lang tinatakot sila.

Lola Sora : May pagpupulong mamaya. Dalawang linggo ka ng hinahanap ni Andres kailangan nila ng suhestiyon mo.

Roli : La, sa tingin mo magiging magaling akong taga-payo ng samahan?

Lola Sora : Hindi naman nasusukat sa edad ang lahat. Ang buhay ay hindi paaralan kung saan matutuno ka sa paraang sunod-sunod. Dahil ang pag-alam ay hindi katungkulan. Kasabay ito ng pag-hinga. At dumarating ito ng hindi kailangan asahan.

Nung gabi ay nagkaroon ng pagpupulong. Naroroon ang mga hindi ko kilalang mga tao pero alam kong mga naisulat na sila sa History Books. Kung nakapaghanda lang ako eh di sana nakapagdala akong mga kodigo. Kaso pangalawang beses ko na ito dito sa panahon na ito ng dumating ng biglaan.

Andres Bonifacio : Simulan natin sa layunin. Ano ba ang mga layunin na gusto natin makamit?

Roli : Pulitikal, Moral at Kapakanan ng Sambayanan.

Jacinto : Masyadong malawak ang mga aspetong nyan.

Roli : Edi hatiin natin.

Ladislao Diwa : Aking itatala ang mga napagkasuduan ngayon pulong na ito. Simulan natin sa Layuning Pulitikal.

Roli : Shempre paghiwalayin ang simabhan at pulitika. Kalinya na rin nito ang paghihiwalay ng Espanya at Pilipinas.

Valentin Diaz: Mahusay. At sa aspetong Moral?

Jacinto : Pagtuturo ng kagandahang asal sa mga kabataan at pagtulong maiangat ang kainilang sarili mula sa kanilang kahinaan.

Roli : Nais ko rin pasinayaan ang desenyong ginawa ko para sa ating bandila.

Andres Bonifacio : Maaari mo bang ipaliwanag saamin ang disensyong iyong nilikha?

Roli : Pulang tela na sumisimbolo ng paghihimagsik, dugo at katapanga. At ang letrang KKK na pinaigsing pangalan ng ating samahan. K-K-K o Ku Klux Klan. ito ang itatawag natin dito.

Andres : Ngunit akala ko ba ito ay tatawagin nating Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan?

Roli : Masyadong Mahaba. Shempre pag magpapakilala ka sa kalaban mo bago magpakipaglaban eh dapat maganda ang pagpapakilala mo. Kung ganyan kahaba ang sasabihin mo, “Kami ang Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan humanda kayo!” Bago ka pa man mangalahati sa litanya mo eh tigok ka na ng kalaban.

Jacinto : Napakahusay. Nararapat lamang na ikaw ang kilalanin na Utak ng Katipunan.

Roli : Nakakaflatter naman kayo.

Andres Bonifacio : Kung gayon, panahon na rin pala palaganapin ang ating adhikain at mangalap ng mga aanib.

Roli : Simulan natin sa mga karatig probinsya.

Nakita ko silang nagbulungan ng may ngiti sa kanilang mukha sa tanda ng kanilang pagsang-ayon.

Valentin Diaz : Kung gayon ang ating palakasin din ating mga armas.

Andres Bonifacio : Kailangan ng maramihang pagpapanday ng gulok at bolo.

Roli : Napaka-primitive naman nyan. Dapat ang mga armas natin eh malalakas, kagaya ng AK-47, SHotgun, Sub Machine gun, Aug, shempre dapat may sniper.

Ladislao Diwa : Anong uri ba ng mga armas yan?

Roli : Ahm.. cge Pellet Gun na lang at Paintball gun. Wala tayong budget para sa ganong armas pala.

Naghahapunan kami ni Lola Sora nung maisipan ko na subukan umapak sa isang libro upang makabalik ulit sa panahon ko. Naramdaman ko ulit ang pwersang humihigop at pagmulat ng mata ko natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng aking kwarto, suot-suot pa rin ang pang-Linggo ng Wika kong damit na galing kay Lola Sora.

Pinuntahan ko si Kel sa bahay nila para ipakita ang pruweba.

Kel : O bat ganyan ang ayos mo? Tapos na ang Linggo ng Wika ah.

Roli : Kel eto yung katibayan. Kagagaling ko lang sa sinasabi kong lugar kung saan luma lahat.

Kel : Antique Shop?

Roli : Hinde. Kunin mo yung history book mo. Walang katipunan. Iniba ko. ginawa kong Ku Klux Klan.

Kel : Asaan dito? Ayan o malinaw, Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.

Roli :
Paano nangyari yun.

Kel : Kung gusto mo magpatulong gumawa ng report, magsabi ka lang. Di mo na kailangan pang gumawa ng kwento.

Roli : Pagawa hehehe.

Sa totoo lang, si Kel talaga ang gumawa nun, moral support lang ang naibigay ko. Nakabalik ako sa klase ni Sir Noble ngunit di pa rin maiwasan na antukin ako.

Roli : Sir, May I go out.

Prof. Noble : O sige, pero idaan nyo itong libro ni Kel sa library. Ipaparenew, deadline kasi today yan.

Roli : Sige po.

Pagdating namin sa library eh hindi namin nadatnan si Aileen. Nagikot ikot muna si Kel nung maisipan kong subukan kung makakapagtransport ako sa harap nya.

Roli : Kel, tignan mo ito.

Kel : Alin? Hoy, wag mong apakan yan.

Naramdaman kong ulit ung pwersang humihigop. Nagulat kami ni Kel nung lumubog ang kalahati ng binti ko. Pinilit nya akong hatakin ngunit skinain pa rin ako ng libro.

Leave a Reply