[Ikalimang Aklat]

GomBurZa : GomBurZa : Ang Pari ng Elemento ng Tubig na Si Burgos

Binagtas namin ang kahabaan ng Coastal Road. Walang traffic, walang tollgate, at walang sementandong daan, graba na pinatag lang talaga. Mabuti na lang at nakayanan ni Kabayan, ang pinangalan namin sa Jeep na nahiram namin kay Manong Leonardo Sarao, ang daan na iyon na malapit sa Manila Bay. Marunong naman ako magdrive kaya ako na ang nanguna sa manibela. Hindi pa uso ang lisensya kaya napaka-astig nito. Si Sora ang nagback-ride. At walang sasakyan akong kasabay.

Sora : Asteg!!

Roli : La, you’re not supposed to say that!

Sora : Oh?

Roli : Minsan nalilito ako kung paano ba kita ituturing. Kung matanda ba o teenager.

Sora : Ano ba itsura ko ngayon?

Roli : late 20’s

Sora : Edi ganun.

Roli : Eh kaso La, 90 plus na kayo at gumagamit lang kayo ng Age-Defying device.

Sora : Whatever!

Roli : Ano bang nangyayari dito? Pakiramdam ko nagkakagulo ang buong Philippine History at nag shashuffle shuffle ng events.

Sora : Magmaneho ka na nga lang dyan.

Bigla akong napapreno dahil sa mahabang linya ng mga baka na tumatawid ng kalye. Humampas si Lola Sora sa lakas ng impak.

Sora : Aray naman.

Roli : Mag seatbelt ka kasi.

Sora : Ang mga kabataan talaga ngayon.

Nakarinig din kami ng kalampag mula sa likod ng Jeep. Dinungaw namin iyon at may nakita kaming tao. Mas bata ng kaunti saakin.

Sora : Naalog ata sya nung nag-preno ka.

Roli : Sino ka?

Alex : Alex po…

Sora : Paano ka napunta dito?

Alex : Paki-usap po. Wag nyo po ako ibalik. Lumayas po talaga ako saamin.

Roli : Bakit ka naman nag-layas?

Alex : Narinig ko kasi na papunta kayo sa Templo ng Tubig, gusto ko kasing makita yung kaibigan kong si Jeni, doon kasi sya nakatira.

Roli : Itanong natin sa nakakatanda.
Aray ko po! (binatukan ni Sora)

Sora : Ayos lang naman na sumama ka pero. Ipangako mo na uuwi ka pagkatapos nun.

Roli : Ganyan magpayo ang mga matatanda.
Aray ko po! (binatukan ni Sora)
Nakakadalawa ka na!

Sora : May sinasabi ka?

Roli : Akala mo lang meron, pero wala! wala! wala!

Alex : Salamat po ng marami.

Mga 15 minutes din kaming naghintay hanggang sa makatawid na ang lahat ng mga baka. Pinalipat namin ng pwesto si Alex para naman hindi sya malungkot dun sa likod.

Alex : Bakit Lola ang tawag mo sa kanya, hindi naman sya mukhang matanda?

Roli : Wag ka magpapalinlang. Gumagamit yan ng Age-Defying ekek.

Alex : Parang Jeep na bagong ovehaul at pintura?

Roli : Mismo!

Sora : Whatever!

Roli : Sige lang. Ulitin pa.

Sora : Whatever!

Roli : Inulit nga… hayz.

Narating namin ang Malabon ng mabilis dahil na rin sa tulong ni Kabayan. Napahinto kami ng malikuan namin ang isang kalye na napupuno ng tubig.

Sora : Dito na magsisimula ang paglalakbay natin patungo sa Templo ng Tubig.

Roli : Kakayanin kaya ni Kabayan ang ganito kataas na tubig.

Alex : Magtiwala kayo sa likha ng tatay ko.

Roli : Oo tama. At makukuha na rin natin ang Pang-hasa ng Tubig.

Alex : Makikita ko na ulit si Jeni

Pinapunta ko si Alex sa likod at pinababa ko yung trapal na nakarolyo para hindi mapasukan ng talsik ng tubig baha ang loob ng jeep. At muli kong inistart ang makina ni Kabayan at dahan-dahan namin dinaan ang kalyeng lubog sa tubig.

Roli : Ang smooth ng andar.

Alex : Magaling talaga kami sa mechanical stuffs.

Roli : Nasubukan nyo na bang gumawa ng battle jeep?

Alex : Hindi pa. Ayaw ni tatay. Gusto nyang lumikha ng mga bagay na nakakatulong at hindi nakakasira.

Roli : Ikaw anong pananaw mo?

Alex : Ganun din. Pero pag kinailangan.. Kailangan.

Roli : Napaka sensible mo.

Pinatigil ni Sora ang jeep upang manghuli ng isda. Ang kaibahan lang ng Malabon na ito sa Malabon sa mundong pinanggalingan ko eh. Malinis ang tubig baha na parang batis at nakakagulat na may aquatic life talaga.

Roli : La, paano natin lulutin yan. Wala naman tayong kalan.

Alex : Maaaring i-steam yan sa ibabaw ng makina.

Roli : Anong lasa nun?

Alex : Isda.

Roli : Bleh!

Sarap na sarap silang kumain. Pero ako hindi ko talaga maatim na kumain ng isdang inisteam sa ibabaw ng makina ng Jeep.

Sora : Magugutom ka dyan bahala ka.

Alex : Kuya masarap naman ah.

Roli : Lasang krudo. bahala kayo dyan. Gisingin nyo na lang ako pagtapos na kayo kumain.

Mga hapon na nung matapos kaming mag siesta at nagsimula na ulit kaming pumasada. Magdidilim nung matanaw namin ang Templo ng Tubig. Nagulat kami sa aming nakita… Huli na ang lahat. Halos mawasak ang kaliwang bahagi ng templo ang ilan sa haligi ay nakabuwal na. Mabilis namin itong tinungo at natagpuan namin ang ilan sa mga naninilbihan sa templo na wala ng buhay.

Roli : Shit!

Sora : Nahuli tayo ng pagdating.

Alex : Jeni!!

Naghiwalay-hiwalay kami upang halug-hugin ang buong lugar. Tnawag kami ni Lola Sora nung matunton nya ang Pari ng Tubig na si Fr. Burgos na halos hindi makapagsalita sa dami ng tinamong pinsala

Sora : Jose, sino ang may kagagawan nito?

Fr. Burgos : …mga taong naka-kapa ng itim.. at na may …pulang ..letrang ‘K’

Roli : Ang mga humiwalay na miyembro ng Ku Klux Klan at sumapi sa Magdalo.

Alex : Nasaan po si Jeni?

Fr. Burgos : Dinala sya ng mga taong iyon… iligtas nyo sya paki-usap…

Sora : Sa tingin ko, nakalayo na ang mga Magdalo

Alex : Jeni!! (tumakbo palabas ng Templo)

Roli : Saglit lang Alex! Wag tayong magpadalos-dalos. Wala tayong laban.

Nung mga sandaling iyon. May itinuturo si Fr. Burgos, ang altar.

Fr. Burgos : Sora, madali ka… Andun ang Pang-hasa ng Tubig. Gamitin nyo kung kinakailangan…

Inutusan ako ni Lola Sora na tumayo sa harap ng altar. Inilapat ko ang ang mga palad sa pinto nito at nagliwanag ito. Pagkatapos ay sumirit ang mga tubig mula sa sahig paitaas nung mahawakan ko ang Pang-hasa ng Tubig.

Fr. Burgos : Siya ba ang napili?

Sora : Oo..

Fr. Burgos : Nawa’y magkaroon sya ng tatag ng loob upang harapin ang katotohanan.

Sora : Malapit na rin nyang malaman… Sana nga.

Inikutan ako ng mga sumasayaw na tubig at akala mo ay naglalaro ako sa isang fountain.

Roli : Isa na lang La. Isa na lang…

Sora : Ang Pang-hasa ng apoy na lang ang natitira

Roli : Konting tiis na lang. Pasensya na Alex…

Tahimik kami nung nilisan namin ang Malabon. Lulan pa rin ni Kabayan ay binagtas namin ang daan pa-norte.

Roli : San po natin matatagpuan ang Pang-hasa ng apoy at si Panday Pira?

Sora : Sa Bulacan. Nandoon ang Templo ng Apoy na binabantayan ng Pari na si Zamora. At si Panday Pira, malalaman natin sa oras na makaharap natin si Zamora.

Alex : Kailangan na natin magmadali… (malungkot yang bigkas)

Roli : Naiintindihan ko…

At ang ingay na gawa ng humaharurot naming jeep ang pumatay sa katahimikan ng gabi.

Leave a Reply