[Ikapitong Aklat]

GomBurZa : Ang Pari ng Groto ng Apoy na si Zamora

Sa tingin ko ay pinadala ng Madalo si Salengga upang unahan kami sa Pang-hasa ng apoy. Kaya mabilis namin pinuntahan ang Groto ng Apoy. Nasa Tungko na kami nung magkaroon ng pagyanig ng lupa. Nagkabitakbitak ito hanggang kaliwang parte ng kalsada kung saan malalim ang huhulugan. Si Alex na ang nagmaneho ng jeep at binilisan namin ang pagpapatakbo. Ilang malalaking bloke ang bato ang parang ibinabato saamin ngunit naiiwasan namin ito. Bumaba kami sa gate ng Groto ng Apoy at madilim na nun. Nagliwanag ang buong gate hanggang sa loob at iniliwan ang daan kung saan kami ay dumadaan. Nakakamangha ang mga pinatigas na silica na bumabalot sa ding-ding at haligi ng Groto dahil makikintab ito at nagliliwanag na parang umaapoy.

Sora : Wag mong hawakan Roli. Akala mo lang salamin yan pero apoy talaga yan.

Roli : Mabuti at hindi sila sumugod dito.

Mula sa itaas na balkonahe ay nagpakita ang Pari na si Jacinto Zamora at binati kami saaming pagdating.

Sora : Jacinto!

Fr. Zamora : Nagagalak ako at ligtas kayong nakarating.

Alex : Napakalakas ng kapangyarihan.

Fr. Zamora : Dahil nagsama-sama sa iisang lugar ang mga Pang-hasa.

Pinakita nya saamin ang Pang-hasa ng apoy. Nagliliwanag ito at pansin na pansin ang matingkad na pagkapula. Nakita ko mula sa bag ko na nagliliwanag ang dalawa pang Pang-hasa, ang Pang-hasa ng Hangin na una namin nakuha sa Las Piñas at Ang Pang-hasa ng Tubig na nakuha namin sa matubig na Malabon.

Sora : Sa pamamagitan ng tatlong ito ay makakapagpanday na tayo ng isang bolo na makakapantay sa pinagsamang kapangyarihan ng Bolo ng Bathala ng Hangin at Kidlat.

Fr. Zamora : Anong sinabi mo Sora? Kung gayon totoo nga…

Sora : Oo Jacinto, naipagsama na ang dalawang ma-alamat na Bolo ng Bathala ng Hangin at Kidlat.

Fr. Zamora : Ang Vorpal Bolo.

Roli : Vorpal Bolo?

Sora : Iyon ang tawag sa Pag nagsanib na ang dalawang Bolo na iyon.

Fr. Zamora : At Ang masama pa. Hawak ito ng may masamang kalooban.

Sora : Marami kaming nakalaban sa pangongolekta ng mga Pang-hasa. Sa tingin ko alam na rin ng mga taong iyon ang tungkol sa Pagpapalakas pa sa kapangyarihan ng Vorpal Bolo.

Fr. Zamora : Ang pag-gamit ng mga Pang-hasa sa Vorpal Bolo ay makakalikha ng Pinakamakapangyarihan at pinakalagim na Bolo sa lahat… Ang Bolo ng Pagkagunaw. Salamat sa pag-iingat sa mga iyan, Roli.

Roli : Eto lang po ang magagawa ko para makatulong. Hindi po ako naging malakas para gamitin ang Bolo ng Bathala Kidlat kaya po naagaw ito ng Masked Man, yung lider ng Magdalo. Pero sinusumpa ako. Gagawin ko lahat para matalo sya.

Ilang saglit pa, isang sakristan ang humahangos papunta saamin upang mag-ulat kasabay ng isang malakas na pagsabog ang narinig namin sa labas.

Crispin : Father! Pinaliligiran po ang buong Groto ng mga taong Naka-itim na parang ninja!

Alex : Ang mga mandirigmang magdalo!

Crispin : Pinasabog po nila ang sasakyan sa labas!

Roli : Wah! si Kabayan!!!

Fr. Zamora : Kailangan nyo ng tumakas. (Iniabot saakin ang Pang-hasa ng Apoy)

Roli : Tutulong po kami.

Sora : Hindi na! Magmadali kayo kay Panday Pira upang malikha na ang Bolo na magagamit mong sandata.

Alex : Paano po kayo?

Sora : Tutulong ako upang pigilan ang mga kalaban habang tumatakas kayo. Susunod ako pangako.

Fr. Zamora : Crispin, sumama ka sa kanila. Gamitin nyo ang sasakyan sa nakatago sa lihim na garahe.

Madali namin pinuntahan ang sinasabing sasakyan na magagamit namin papunta kay Panday Pira. Namangha si Alex ng makita nya matapos buksan ang ilaw, ang isang napaka-Astig na open-top-owner-type jeep.

Alex : Isa itong battle jeep. Paano nagkaroon ng ganito dito?

Crispin : Nilikha yan ni Manong Leonardo.

Roli : Napaka-ganda… pero mas maganda kung bibigyan natin ito ng pangalan.

Alex : Ang akala ko, ayaw ni ama ng battle-jeep.

Crispin : Iginawa nya ang matalik nyang kaibigan na si Fr. Zamora  upang magamit dito sa Groto sa oras ng kagipitan. At ang panahon na iyon ay dumating na.

Roli : Ano pa hinihintay mo, kumuha ka ng Holy Water at mabinyagan si SuperSpeed Kabayan 2.0!

At matapos noon ay sumakay kami sa loob ng owner-jeep.

Roli : Andaming controls.

Alex : Pwedeng i-set sa automatic, manual, AI-controlled. At Maraming button.

Aksidente kong napindot ang isang button at nag-launch ito ng missile na bumutas sa pader.

Roli : Okay! May daanan na!

Pinindot ni Alex ang isang button sa pinaka kanan at mula sa likod at umangat ang hydraulic roofing system at nagkaroon ng bubong ang owner-jeep. Naupo si Crispin sa likod at nagsimulang magdasal phabang iniistart ko ang owner-jeep. At humarurot ito palabas sa butas na nilikha ng missile.

Alex : Ayos!

Nakita namin ang si Sora at Fr. Zamora kasama ang ilang sakristan na lumalaban sa mga Magdalo. At malapit sa kanila nandoon si Kabayan na nasusunog.

Roli : Ayos lang kaya na mauna tayo?

Crispin : Kayang-kaya ni Father yan. Kung hindi nyo naitatanong eh bihasa si Father sa Mano-mano at ayun ang kanyang signiture technic! (sabay turo sa bintana)

Nakita kong si Father Zamora mula sa bintana ng owner-jeep na gumawa na isang stance at pagkatapos ay inipon nya ang lakas nya sa kanan kamay nya at pinakalawan ito sa kalaban.

Crispin : Ang Hand of Fire God~

Roli : Ang galing naman.

Alex : Lakad na tayo.

At tuluyan na namin nilisan ang Groto ng Apoy. Mataas ang horsepower ng makina kaya ramdam namin ang bilis ng takbo namin. Pagbaba namin sa Commonwealth ay dumiretso kami sa San Mateo tapos ay lumiko papunta sa Marikina. At mula doon ay diniretso namin ang Rizal dahil may shorcut doon papuntang Laguna. Wala pang isang oras ay narating namin ang Laguna na mabato ang daanan.

Alex : Shift ako ng gear. Mag fofour-wheel drive tayo!

Hindi pa man kami nakakatagal sa pag-andar sa paitaas na mabatong kalsada ay may naganap na isang pagsabog sa gilid namin. Nadetect ng radar namin na maroong kalaban na umaatake.

Alex : Mukhang magagamit natin ang battle system ni Kabayan 2.0

Roli : SuperSpeed Kabayan 2.0.

Alex : Naku patay!

Crispin : Anong problema?

Alex : Wala palang battle chip ito. Nasa bahay ang mga battle chip na compatible sa battle jeep na ito.

Roli : Edi mano-mano na lang tayo?

Alex : Ganun na nga. Tara! Baba!

Pinindot namin ang button para sa hydraulic roofing system at pagkatapos at tumupi sa likod ang bubong ng owner-jeep. Nakita namin sa itaas ng isang malaking bloke ng adobe ang isang nilalang na naka-cloak na itim na may marka ng KKK na kulay pula.

Roli : Wala tayong weapon kaya. Paano ba yan? Pakornihan ulit.

Alex : Tambling-tambling?

Roli : Ikaw Crispin, marunong kang sumapak?

Crispin : Hindi po ako na-training ni Fr. Zamora sa physical battles eh.

Roli : Sige pa-buffs na lang ako.

Alex : Ano yun?

Roli : Ganun sa RPG game. Sa isang party meron talagang support at attacker. Yung buffs ay mga spells na inilalagay para maboost ang isang attacker sa pakikipaglaban.

Alex : Wala akong naintindihan.

Nakita namin tumalon papunta sa harap namin ang taong-naka cloak.

Alex : Sino ka? Kasamahan ka ba ni Salengga?

Mailah : Wag mo akong ikumpara sa talunan na iyon. Ako si Mailah, Ang Magtataka!

Roli : Ano naman ang ipinagtataka mo? I wonder.

Mailah : Taka! as in Papier Mache!

Alex : Ano yun?

Roli : Ah.. yung mga lumang papel na hinulma sa isang hulmaan.

Mailah : Parang ganito (at naglabas siya ng isang takang mukhang usa)

Roli : Oo ganyan. Pang christmas yan madalas. Meron pang Santa, Elves at iba pang designs.

Crispin : Magkano po per order?

Mailah : Mura lang. Eto talaga ng bumubuhay dito saamin sa Paete.

Alex : dalawang Santa Claus saakin

Crispin : Akin limang usa

Roli : Akin tatlong Giraffee

Mailah : Okay eto na sila!

At parang magic na sumulpot ang mga inorder namin.

Roli : Parang kakaiba…

Alex : Para silang gumagalaw mag-isa.

Crispin : Takbo na… tayo?

Mailah : Sugurin sila!!! Bwahahaha!

At nagsimula kaming tumakbo palayo sa mga gumagalaw na paper maché.

Roli : Crispin, pa Agi-Up!

Crispin : Okay! (Itinaas ni Crispin ang kanan nyang kamay at nag chant)
Haste!!

Naramdaman namin na parang bumilis ang galaw ng mga binti namin. At dahil doon mabilis namin naiiwasan ang pagsuwag ng mga usa. Nakita kong hahampasin ng giraffe gamit ang mahaba nyang leeg si Crispin kaya madali ko itong inatake at binigyan ng isang upper-cut. Ngunit masyado mataas ang baba nito kaya hindi umabot. Hinarangan ni Alex ang pag-atake saamin ng giraffe at napatalsik sya papalayo at nawalan ng malay.

Roli : Alex!!

Mailah : Ibigay nyo saakin ang mga Pang-hasa!

Sa pagtatangkang iyon, nanganib ang buhay ni Alex.

Leave a Reply