[Ikatlong Aklat]
Ang Ma-alamat na Bolo ng Hangin at Kidlat
Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko ang sarli ko sa bahay ni Lola Sora. Walang pinagbago pero Nakita ko ang kalendaryo nila sa kusina.. 1897. Nakita kong pumasok si Lola na may dalang bilao ng puto.
Roli : La!!!
Lola Sora : Roli, ikaw ba yan? Anong nangyari sayo? Limang Taon ka na namin hinahanap.
Roli : Infairness, Lola, di kayo tumanda ah.
Lola Sora : Marami ng naganap nung panahon wala ka. Lumaganap sa karatig probinsya ang Ku Klux Klan. DUmami ang kabahagi at dahil doon nahati ang samahan sa dalawang pangkat.
Roli : La, si Jose Rizal po ba ay pinatay na ng mga Kastila? Ano na po nangyari kay Manong Andres? Hindi po ba kayo naipatapon sa Marianas?
Lola Sora : Ano bang sinasabi mong ipinatapon ako? Si Jose Rizal ay ipinatapon sa Hagdang Palayan ng Batad. Nagkaroon ng kaguluhan sa Ku Klux Klan. Nahati ito sa Magdalo sa pamumuno ni Aguinaldo at Magdiwang sa pamumuno ni Bonifacio hanggang sa magkapatayan sila.
Roli : ANo na po nanngyari sa mga kastila?
Lola Sora : Bumalik na sila sa Espanya, ang tanging kaguluhan na lang na nangyayari dito eh kung sino ang mamumuno sa Filipinas. hawak pa din ng angkan ni Andres ang Tagalog at ang natitirang Bahagi ng Filipinas ay hawak ng Magdalo.
Roli : Bakit hindi sila magkasundo?
Lola Sora : Dahil hawak ng angkan ni Aguinaldo ang isang makapangyarihang Bolo.
Roli : Bolo?
Lola Sora : Ang Ma-alamat na Bolo ng Hangin.
Roli : Nasaan po ang grupo ng Magdalo?
Lola Sora : Nasa Kastilyo ng Tejeros
Roli : Kung wala na po si Aguinaldo, sino po ang namumuno sa Magdiwang?
Loa Sora : Meron siyang napili din na taga-payo na katulad mo rin.
Roli : La, kailangan natin pumunta doon.
Na curious ako sa sinabi ni Lola Sora, sinikap namin makarating ng Tejeros gamit ang isang karitela. Pagdating namin sa labas ng Kastilyo ng Tejeros. Nakita ko ang ilan sa mga tauhan ng ng Magdalo na nakacostume na parang ninja ngunit naroroon pa rin ang emblem ng KKK sa kanilang dibdib. And bandila na nakasabit sa trangkahan ay iba sa disensyong sinuggest ko. Marami ngang nagbago.
Kawal : Hanggang dito lang kayo. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapapasok.
Roli : Nais kong kong makausap ang namumuno ng Magdalo.
Kawal : At sino ka naman?
Roli : Ang namumuno sa Magdiwang, at kasama ko ang Ma-alamat na si Tandang Sora.
Nakita namin na dumungaw sa trangkahan ang isang taong nakamaskara.
Roli : At sino ka para makinabang sa pinaghirapan ng iba? (sigaw ko mula sa ibaba)
Mask Man : Kung ganon, ikaw pala ang nagpasinaya ng Ku Klux Klan. Malugod ka namin tatanggapin kung ikaw ay aanib saamin pwersa.
Roli : Hindi ko kailangan nyan. Bumaba ka ngayon sa pwesto mo at ibigay mo ang pamumuno ng buong Filipinas sa taong-bayan.
Mask Man : gagawin ko yun kung isusuko mo ang buong Tagalog sa aking pamamahala.
Roli : Hindi ako nahihibang.
Mask Man : Mga kawal huliin sila.
Roli : La, Takbo na!
Inagaw ko ang bolo na hawak ng isang kawal at nakipaglaban ako sa mga parating na kawal. Tumalon mula sa itaas ang Taong nakamaskara at kami ay naglaban ng 1 on 1.
Mask Man : At ano sa tingin mo ang laban mo saakin?
Roli : Etong sayo! (sumugod ako patungo sa kanya ngunit madali nya itong naiwasan)
Itinaas nya ang bolo nya at naglitanya ng mga katagang di ko maintindihan at pagkatapos ay humiwa sya ng mabibilis sa hangin. Kung ilan beses ito ay hindi ko mabilang at pagkatapos at tumilapon ako sa lakas ng pwersa ng hangin. Akala ko mamamatay na ako nung oras na yun nung kinagat ng kabayo namin ang damit ko at inihagis ko papasok sa karitela at doon ay tumakas kami.
Roli : Anong klaseng bolo yun, parang pang-RPG!
Lola Sora : Ang bolo ng bathala ng hangin.
Roli : Paano ko kaya sya matatalo La?
Lola Sora : Ayon sa alamat, ang tanging makakatumbas sa kapangyarihan ng bolo na yun ay ang bolo ng bathala ng kidlat.
Roli : At saan ko po yun makikita?
Lola Sora : Nasa sala, naka display.
Roli : bat di nyo agad sinabi La, sana nakapaghanda tayo bago pumunta.
Lola Sora : Mahirap kontrolin ang bolo na yun. Marami ng sumubok at nagbuwis ng buhay. Isa na rin dun si Andres.
Roli : Ibig sabihin kay Aguinaldo po talaga yung bolo ng bathala ng hangin?
Lola Sora : Oo. Sa huling laban ni Andres at Emilio ay nakiaalam ang mga bathala at ginawa silang bato. Inuwi ng Magdalo ang statwa ni Aguinaldo kasama ang bolo ng hangin.
Roli : At yung kay Manong Andres po?
Lola Sora : nasa batalan, gumawa kami ng fountain.
Roli : Amfness naman lola. Amfness.
Pagkauwi namin ng bahay at agad ako nagtungo sa sala. nakita ko doon na naka display sa platera ang bolo ng bathala ng kidlat. Pinigilan ako ni lola at sinabi nya na hindi raw basta basta ito makukuha.
Roli : Bakit naman la? Pili bang mandirigma ang maaaring makahawak sa bolo na yan?
Lola Sora : Hindi naman. Nawawala kasi ang susi ng platera.
Roli : Amf.
Gusto kong sabihin kay Lola Sora na sa panahon na pinanggalingan ko eh ipinatapon sya sa Marianas Island at pagkabalik nya eh patay na sya pagktapos ay inilibing sya sa bahay nya at nung tumagal ay ginawa itong public cemetery na tinatawag ngayon na Himlayang Pilipino. Pero di ko na rin ginawa baka di sya makarelate.
Nung gabing iyon may isang buong sandatahan ng Magdalo ang sumugod sa Pugadlawin. Nagkaroon ng kaguluhan at pagdanak ng dugo. Isa iyon sa mga ikinabigla ko. Nangilabot ako sa mga nangyayari at hindi na nakakilos. Ipinasunog ang buong bayan at nilipol ang buong Magdiwang sampu ng mga anak ni Manong Andres Bonifacio at mga taga-sunod nito.
Lola Sora : Kailangan mo ng tumakas.
Roli : Kailangan natin lumaban.
Lola Sora : Hindi pa ito ang panahon. Bumalik ka sa pinanggalingan mo at ingatan mo ang sarili mo.
Roli : Paano po kayo?
Pinasok ng mga kawal ng Magdalo ang bahay ni Lola Sora at kinuha ang Bolo ng Hangin. Nakita ko mismo sa pagkakataon na iyon ang taong nakamaskara. Kinuha nya ang Bolo ng Kidlat at muling naglitanya. Pagkatapos at pinagsanib nya ang dalawang bolo at lumikha ng dalawang hiwa sa ere at itinapat iyon saakin. Nagmadaling tumakbo si Lola Sora at itinulak ako sa istante na puro libro. Nakita ko kung paano sya nawalan ng buhay habang hinihigop ako ng pwersa ng libro pabalik sa panahon ko…
Nakita ko si Kel na nakatayo sa harap ko na nag-aalala at pagkatapos ay nawalan na ako ng ulirat…