[Ikawalong Aklat]

Si Panday Pira At Ang Tatlong Pang-hasa

Tumilapon si Alex sa may batuhan pagkatapos tamaan ng nagsu-swing-swing na leeg ng Giraffe. Patakbo ako ng harangin ako ng nag-tag team na mga santa claus. Sa inis ko at tinadyakan ko ang mga ito at natapyas bahagya ang mga ulo nito. Napigilan ko ang giraffe sa pag stampede sa katawan ni Alex sa pamamagitan ng pagbato sa giraffe ng isa sa mga santa claus.

Roli : Ayus ka lang?

Alex : Napuruhan ako ng swinging-head technic ng giraffe. Medyo hilo pa ako.

Roli : Crispin, baka may pang-heal ka dyan?

Crispin : Meron naman! Anong level ba?

Roli : Full Heal ‘tol.

Crispin : (itinaas ang dalawang kamay sa langit at nag chant) HEAL!

Binalot ng munting liwanag na umiikot si Alex at nanumbalik ang lakas nito.

Alex : Nabubutas lang natin sila at natatapyasan bero bumabalik pa rin sila sa dati.

Mailah : Wala na kayong kawala! Bwahahaha!

Roli : Bakit ba lahat ng tawa nyong mga kontrabida eh bwahahaha?

Mailah : Hindi ka pwedeng tawaging kontrabida kung wala kang signatured na mala-demonyong tawa.

Crispin : At wag nyo rin kalimutan ang wine glass na pasosyal kung hawakan at tatawa kasama ng mga goons.

Alex : Korek Korek!

Pagkatapos nun ay inupakan na namin isa-isa ang mga taka ngunit kahit anong pilit namin ay nagbubuo-buo ulit ang mga ito.

Roli : Kailangan natin ng tubig!

Alex : Saan tayo kukuha?

Crispin : May spell ako kaso konting tubig lang ang malilikha nun.

Alex : Pwede na yun, may naisip ako.

Tumingala si Crispin at gumawa ng mala-praying hands na stance at pagkatapos ay umambon ng bahagya mula sa langit.

Crispin : Aqua Benedicta!

Mailah : Ano ako multo? Di tatalab saakin yan! (sabay inom sa wine glass na akala mo eh isang doƱang kontrabida) Hahahaha!

Roli : Basain nyo ang mga kamay nyo at ipangsasapak natin.

Alex : Dating gawi!

Inulit namin ang pag-upak sa mga taka pero sa pagkakataong ito eh basa ang mga kamay namin. Natatagalan sa pagbubuo ang mga nawasak na taka. At dahil doon ay nagalit si Mailah.

Roli : Wasak!

Mailah : Mga inutil! (sabay tapon ng wine glass sa mga alagad)

Humudyat kami ni Alex upang simulan ang pag-atake kay Mailah ngunit nagulantang kami ng magsanib-sanib ang mga nadurog na taka ito at naging isang higanteng Taka na nag-anyong mabangis na Starfish.

Mailah : Okay! Spinning Attack!

Nagsimulang itong umikot na parang electric fan at dumiretso sa direksyon namin.

Crispin : Takbo na!!!

Nag-unahan kaming tatlo sa pagtakas.

Alex : Kailangan natin ng tubeeeeeg!!!!

Roli : Wala tayong mapagkukunaaaaaaan!

Crispin : Kelan ba tayo hihinto sa pagtakboooo! Naiihi na ako!!!

Nung mga sandaling marinig namin iyon ay huminto kami sa pagtakbo papalayo sa Starfish. Hinawakan namin si Crispin sa magkabilang balikat at pinaharap sa Starfish.

Alex : Naiisip mo ba ang naiisip ko?

Roli : Walang masama kung susubukan.

Crispin : Ano bang sinasabi nyo?

Alex : Kung mahal mo ang kidney mo. Gagawin mo ito.

Roli : Pagbilang ko ng tatlo. Ibaba ang pantalon at ilabas mo na ang lahat.

Alex : Medyo kadiri nga lang.

Roli : Isa——–Dalawa———-Tatlo!!

Pinaihi namin sa lata si Crispin. At ginawa nga nga ni Crispin ang bilin namin. Tumayo kami upang salubungin ang mabangis na starfish na gawa sa pinagsama-samang scrapped na taka.

Alex : Dating gawi!

Roli : Okidoks!

Sinalubong namin habang tumatakbo ang paparating na umiikot na starfish. Gamit ang pinagsanib na lakas at sinipa namin ang lata papunta sa mga kalaban.

Alex: Push kick mo lang!

Sa lakas ng impact ay umikot ito pabalik kay Mailah at tumilapon sila at humampas sa isang malaking adobeng pader. Bumakat sila at bumaon doon. Natunaw ang taka na parang nababad sa baha. Naglaho rin na parang bula si Mailah at naiwan na lang cloak na suot nya.

Roli : Yakk!

Naghanap kami ng makakainan sa Paete pero puro wood handicrafts ang nakita namin. Bumili ako ng boomerang dahil napaka cute ng mga carvings nito.

Nagpatuloy kami sa byahe papunta sa Batangas upang hanapin si Panday Pira at mabilis naman namin itong narating. Nagtanong-tanong kami sa mga taga-nayon at naituro saamin ang pandayan ni Panday Pira. Padating namin sa loob ay nakita namin na nag si-siesta sila Lola Sora.

Sora : Ang tagal nyo, saan ba kayo dumaan pa?

Alex : Napaaway kami sa isang Magdalo. Ka-level ni Salengga.

Fr. Zamora : Mabuti at walang nangyari sa inyo.

Crispin : Tinulungan ko po sila Father.

Fr. Zamora :
Mahusay kung ganon.

Roli : Eh kayo La, bat ang bilis nyo?

Sora : Nag express-way.. Saglit lang andito na kami. Ang mahal pala ng bayad sa toll-gate! Wag nyong sabihin sa Marikin-Rizal way kayo dumaan?

Alex : Parang ganun na nga.

Roli : Nasaan po si Panday Pira?

Panday Pira : Hello! Kamusta Roli?

Roli : Mabuti naman po. Sa wakas dumating na ang pagkakataon para magka-bolo ako panlaban dun sa mga Magdalo.

Panday Pira : Anong bolo? Hindi bolo ang masterpiece dito sa Batangas. Kung hindi. Balisong!

Alex at Crispin : Balisong? Ohhhhh! Ano yun?

Roli : Kasing laki ng kitchen knife pero naitutupi ang handle para mai-sara ito at maging safe pag tinatabi sa bulsa. I-pi-flip mo lang in-case may kalaban na.

Alex : Ahh. Astig yun.

Roli : Pero parang maliit po ata yun para ipang-laban sa bolo.

Panday Pira : Yung malaki ang gagawin natin.

Roli : Goodluck. Paano ko i-piflip yun?

Alex : Ang itanong mo eh kung paano mo ibubulsa.

Roli : Amfness! Wala bang espada na lang, yung magiging legendary pagdating ng araw?

Panday Pira : itong mga batang ito, mga pihikan.

Ilang saglit pa ay dumating din si Fr. Gomez at Burgos. Nabuo muli ang GomburZa.

Panday Pira : Oras na para magpanday. Akin na ang mga pang-hasa.

Sisimulan na ang ritwal ng pagpapanday. Sinilaban ni Panday Pira ang lutuan ng bakal na punong-puno ng nagbabagang bato. Isinalang ang bakal na gagamitin upang makapag hulma ng blade. Pumuwesto ang talong pari paikot kay Panday Pira habang hawak-hawak ang mga pang-hasa na naka-align na patatsulok. Nagliwanag ang mga ito at tuluyang lumakas ang apoy. Ilang sandali pa, nagulat kami ng sumulpot sa ibabaw ng malakas na nagbabagang bato ang leader ng mga Magdalo na si Masked Man.

Masked Man : Salamat Panday Pira sa pagdadala mo saakin ng tatlong Pang-hasa! Bwahaha!

Nagulat kami sa nakita namin. Nagbagong anyo din ang mga GomBurZa at si Lola Sora at naging mga madiringmang magdalo sila. Humarap saamin si Panday Pira na halos nangingitim na ang paligid ng mata na parang sinaniban.

Alex : Nalinlang tayo!

Roli : Ang mga pang-hasa!!!

Masked Man : Ako na ang pinaka makapangyarihan!!

Roli :
Hindi ka magtatagumpay!!

Leave a Reply