Season 1 [Prologue]

Prof. Noble : Mr. Magallanes, How many times have I told you not to sleep in my class.

Roli : Po?

Prof. Noble : Where excatly did Magellan landed?

Roli :
Di ko po alam.

Prof. Noble : Get out. Pumunta ka ng banyo, maghilamos ka.

Badtrip talaga yung ganun na eksena. Eh sa nakakaantok naman talaga ang history class. Nung elementary at highschool puro Sibika, Hekasi at Araling Panlipunan. Tapos eto kailangan ko na naman balikan ulit. Hindi naman masama ang mag-aral ng History pero wala kasi akong nakikitang relevance nito sa career ko sa future. Pwede naman hayaan na lang yun sa mga bata.

Pagkatapos ko maghilamos eh nagbalik ako ng classrom namin. Wala ng tao. Pagtalikod ko, nakita ko si Kel, yung kababata ko na kasabay ko nag-aral dito.

Kel : Nagpupuyat ka na naman ano?

Roli : Wala kang katibayan.

Kel : nakita kita sa Yahoo! Messenger nung madaling-araw. Naka invisible ako.

Roli : Hindi naman ako nag-login sa YM ah. Saka babagal ang Flyff ko.

Kel : O kitams, ang isda sa bibig nahuhuli.

Roli : Oo na oo na.

Kel : Eto nga pala yung assignment mo. Need mo daw mag research. Ipapasa mo yan bukas para makabalik ka sa klase ni Sir Noble.

Roli : Kala ko ba sabi nya, maghilamos lang ako. Eh bat kailangan ng research? Adik ba sya?

Kel : Tara na. Ang ingay mo talaga, nakakaistorbo ka. (habang tinutulak pababa ng hagdan)

Dali kami nagpunta sa library para masimulan agad ang report. Dun sa east-wing, sa kaduluduluhan, kung saan mapapansin mong pakapal ng pakapal ang alikabok sa bawat shelves. Andun ang Filipiniana Section.

Roli : O kita mo na, sino bang estudyante ang gaganahan sa subject na ito.

Aileen : Kulang lang sa linis yan. (sabat nya habang nagtutulak ng trolley na may tambak na libro)

Kel : Aileen!

Aileen : Roli, Kel, napasyal kayo, himala.

Kel : Eto kasing si Roli, natulog sa klase kaya binigyan ng research work.

Roli : Ganito ba talaga kadumi dito?

Aileen : Wala kasing ibang student assistant d2 sa library. Ayaw nila dito magpa-assign.

Kel : Normal talaga mga ganun a pahanon ngayon. Puro tamad.

Roli : Hindi naman sa tamad. Wala lang interes!

Kel : Edi umamin ka rin.

Aileen : Ano bang topic ng research? Pwede kayong magconsult sa Card Catalogue.

Kel :
Katipunan

Nung mga oras na yun, may napansin akong kakaibang bagay na nakaipit sa pagitan ng mga libro sa bookshelves. Pinilit ko yun abutin, umapak ako sa ibabang istante at sa hindi inaasahang pagkakataon nasira ito at bumagsak saakin ang mga libro buhat sa taas.

Kel : Roli!!!!

Yung ang salita na huling narinig ko.

One Response to “Season 1 [Prologue]”


Leave a Reply