[Unang Aklat]
Ang Mundo Sa Ilalim Ng Tambakan Ng Libro.
Nagising ako sa tunog na naririnig ko mula sa magkakahiga sa maalikabok na kalsada. Napabangon ako bigla ng nakita ko ang mga paa at yagabag ng kabayo na patungo sa direksyon ko.
Roli : Anong ginagawa ko dito sa Binondo?
Lola : Paki-hinto mo muna ang kalabaw.
May nakita akong isang matanda na bumaba mula sa pinagtali-taling mga kawayan na hila-hila ng isang malaking kalabaw.
Lola : Ayos ka lang na iho? Ano bang pangalan mo?
Roli : Ayos lang po. Roli po. Nasaan po ba ako?
Lola : Pugadlawin
Roli : Pugadlawin!? (sabay lumingon ng lingon)
Lola : Halika nga at sumama ka. Patungo ako sa bahay ng anak kong si Juan.
Lulan kami ng tinalitaling kawayan na hinihila ng malaking kalabaw. Damang-dama ako ang preskong hangin kahit may konti alinsangan. Tanaw sa buong paligid ang maberdeng kaparangan habang dahan dahan kaming dumadaan sa kalsadang gawa sa pinatag lupa.
Roli : Ang ganda po dito sa mundo nyo… Pugadlawin…
Ngumiti lang sya saakin. Ilang saglit pa ay inabutan nya ako ng kumot at inuutos na ibalot ko iyon sa katawan ko.
Lola : Madali ka. Ayan na ang mga gwardya sibil.
Roli : Gwardya sibil?
Lola : Magpanggap kang may sakit.
Pinahinto kami at siniyasat at pagkatapos ay nilagpasan namin ang grupong iyon ng mgagwardia sibil na nagiinspeksyon ng mga nagdadaang kariton.
Roli : Para akong nasa intramuros…
Lola : Malayo pa dito ang Intramuros. Malapit iyon sa Look ng Maynila.
Roli : Alam nyo po ang intramuros? May ganun po kasi sa mundo na pinanggalingan ko.
Lola : Ano bang sinasabi mo dyan bata ka. Halika na at bumaba ka na. Andito na tayo sa bahay ng anak kong si Juan.
Tumigil ang kalabaw sa tapat ng isang malaking bahay na gawa sa kahoy, may malalaking bintana ito na gawa kahoy at capiz. Maraming puno sa paligid at upang makapasok ka sa loob ng bahay kailangan akyatin. Hinarap kami ng isang matandang lalaki na nasa kwarenta na ang edad.
Juan Ramos : Ina, hindi ko inaasahan ang iyong pagdating. Sana ay nagpasabi ka upang ika’y aking napasundo.
Lola : Masyado ng magulo sa bayan. Kailangan ko ng taong maghahatid ng mga pagkain sa Tondo. May pagpupulong na gagawin ang samahang nakikibaka para sa reporma.
Juan Ramos : Sino ba itong batang kasama nyo Ina, kakatwa ang kanyang pananamit.
Roli : Roli po, ginoong…?
Juan Ramos : Juan Aquino de Ramos. Kinagagalak kitang makilala Roli? tama ba?
Roli : Jose Florido Magallanes Jr. ang buo kong pangalan.
Juan Ramos : Ang aking butihing ina, si Melchora Aquino de Ramos.
Roli : ows? Melchora Aquino? Yung nasa singko?
Juan Ramos : Ina, saan mo ba napulot ang batang ito at parang kakatwa ang kanyang mga ikinikilos.
Lola Sora : Kanina, natagpuan kong nakahandusay sa kalsada. Marahil pagod lang ang kanyang isipan. Hayaan natin syang magpahinga.
Roli : Ah. Maitanong ko lang, Linggo ba ng Wika ngayon?
Lola Sora : Halika ngang bata ka andami mong katabilan.
Dinala nila ako sa isang malaking silid na may malaking kama na yari sa kahoy. May malaking bintana na nakabukas kung saan matatanaw ang malawak na bukirin. Malayang pumapasok ang sariwang hangin. Naupo ako sa sa tapat ng bintana at nagmuni-muni sumandali.
Roli : Nasan ba ako? RPG… tama RPG lang ito. Parang hinde eh. Wala naman akong nakiking monsters bukod sa mga gwadia sibil. Hay!!
Lola Sora : Nakahanda na ang pampaligo mo. Halika na sa batalan.
Dinala nya ako sa likod bahay. Sa unang pagkakataon ay nakakita ako ng balon na sinasalukan ng tubig. Humingi ako ng pahintulot na subukan at napagbigyan naman ako.
Roli : La, wala po ba kayong sponge? bubble bath? mga ganun?
Lola Sora : O heto ang labacara.
Roli : Hindi naman po maliit yung akin.
Lola Sora : O kung hindi mo nais gamitin yan. narito ang panghilod.
Roli : Sabi po ni Doktora Belo. masama daw po sa skin yan.
Lola Sora : At marami ka pang sinasabi.
Hindi ako satisfied sa pagkakaligo ko. Hindi kasi kumpleto ang ritwal ko sa paliligo pagwalang apricot scrub. Pagkatapos nun at umakyat na ako sa kwarto na inihanda saakin. Inabutan nila ako ng damit na tuwing Linggo ng wika ko lang sinusuot.
Roli : La, ano bang misyon ko dito sa Pugadlawin? Meron ba akong papaslangin na halimaw, o kaya ililigtas na prinsesa?
Lola Sora : Itulog mo na yan. Ano bang misyon ang sinasabi mo? Ang tanging halimaw lang dito ay ang mga kastila. At kung nais mo maglitas, ang sambayanang FIlipinas ang nararapat iligtas. Anong prinsesa ang sinasabi mo dyan?
Roli : Tandang Sora, Pugadlawin, Kastila,Gwardia Sibil…. kung wala ako sa ibang mundo. Imposible naman na nasa nakaraan ako. La, anong petsa na? taon pala.
Lola Sora : Ika- 5 ng Julyo, 1892.
Roli : Sabi na eh Sabi na eh! Siguro may kinalaman sito si Sir Ed Noble. Lagot saakin yan! Teka, kung nasa past ako, ibig sabihin, may mababago sa future kung sakaling may gawin ako dito. So pwede rin na maiba ang history. Nakakaisip ako ng maganda. Parang gusto kong humalakhak na parang kontrabida.
Lola Sora : Nagasasalita ka na naman mag-isa. halika dito at aayusin ko ang buhok mo.
Roli : La ano ito?
Lola Sora : Pamada.
Plantsado ang buhok ko. Ang polo ko ay nakaribbon ang kwelyo. May nakapatong na chaleko. Unat na unat ng dahil sa almirol. Humarap ako sa salamin at huminga ng malalim at pumorma.
Roli : Pang National Museum.
Madilim na nun nung may nagising ako sa mga yagabag ng paa na papalapit sa bahay. Nakita ko si Lola Sora na nagmamadali.
Roli : Ano pong nangyayari?
Lola Sora : Madali ka, tatakas tayo rito.
Roli : Bakit po?
Lola Sora : Parating ang mga gwardia sibil. Gumayak ka na at sumunod ka saakin sa silong. Kailangan natin makalayo.
Kahit di ko masyong naiintindihan ang mga nangyayari eh. Sumunod na lang ako. Binaybay namin ang taniman ng mais. Hanggang sa marating namin ang isang sapa. At mula doon ay may nag-aabang saamin na dalawang lalaki lulan ng kalabaw. Pinaupo kami sa kariton at nagsimula kaming tumakas papalayo.
Roli : San po tayo pupunta?
Lola Sora : Sa Calle Azcarraga sa Tondo.
Roli : Ano pong gagawin natin dun.
Lola Sora : Isang pulong.
Mag tatanghali na kinabukasa na ng marating namin ang Tondo. Ganun katagal ang byahe. Doon na kami nagpalipas din ulit ng gabi. Kinabukasan ng umaga ay papunta kami ni Lola Sora sa isang pulong. Tahimik ang lahat ng nagtungo kami sa isang bahay sa Calle Elcaño. Kasama ko si Lola Sora naghatid ng pagkain at maiinom sa mga taong nagpupulong.
Diwa : Ano ng hakbangin ating gagawin kaibigang Teodoro?
Plata : Oo nga kaibigang Andres. Hindi rin lingid saating kaalaman na ilan sa taga-sunod ng La Liga ay pawang nadakip na ng mga gwardia sibil.
Diwa : Isama mo pa si Jose Rizal na nagtatag nito ay ipapatapon sa Dapitan.
Bonifacio : Lubos ako nalulungkot sa mga nangyayari….
Roli : Hindi dapat tayo panghinaan ng loob! (sabat ko) Ayan mag tinapay muna kayo at magpalamig.
Napatingin sila saakin.
Roli : Sa tingin ko napapanahon na para magtatag ng isang samahan na lulupig sa sakim at mapagsamantalang mga kastila!
Diwa : At sino nagbigay sayo ng pahintulot na sumali sa usapan ng matatanda?
Roli : Nagsa-suggest lang naman.
Lola Sora : Halika nga dito bata ka, Mabatil ka talaga.
Bonifacio : Sa tingin ko tama sya, Ano sa tingin mo Jacinto?
Jacinto : Kailangan na rin natin sigurong paghandaan ang hinaharap ng Tagalog.
Diwa : Isang lihim sa samahan?
Plata : Tingin ko hindi na natin sila madadaan sa diplomasya. Panahon ng makibaka.
Jacinto : At anong itatawag natin sa ating samahan?
Roli : Katipunan… Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan! in short KKK!
Napatingin ulit sila saakin
Roli : Okay Okay! tatahimik na! okay ayan o zipper ko na bibig ko. Quiet na ako!
Andres : Napakahusay. Anong pangalan mo bata?
Roli : Roli po.
Andres : Maaari bang maging kabahagi ka ng itatayong grupo.
Diwa : Ngunit isa lamang syang bata.
Roli : Nasa kolehiyo na ako.
Plata : Nakapag-aral. Anong kurso?
Roli : Information Tech… basta tungkol sa impormasyon.
Andres : Mahusay kung gayon. mas kakakatulong ka saamin bilang utak ng katipunan.
Roli : Huh?
Jacinto : Sumasang-ayon ako.
Natapos ang pulong at naitatag ang Katipunan. Umuwi kami ni Lola Sora sa bahay dahil walang tumatao sa tindahan niya. Pagpasok ko sa bahay ay napansin ko ang isang istante na puno ng libro.
Roli : Lola, mahilig kayo magbasa?
Lola Sora : Mga aklat nyan ng aking mga anak.
Pinilit kong abutin ang isang libro sa pinaka taas ng istante. Ng biglang bumuhos ang lahat iba pang libro saakin.
Roli : Ahhhhhhhhhh!
Nagulat ako dahil may humatak sa kamay ko. Si Kel. At nakabalik na ako.
Kel : Ang likot mo kasi ayan nabagsakan ka.
Aileen : Sa tingin ko kailangan nyo akong tulungan isalansan ulit yan.